Jump to content

14 posts in this topic

Recommended Posts

Filed: Citizen (pnd) Country: Nepal
Timeline
Posted

NI ROLAND TOLENTINO - Kung iginagalang itong makulay na mundo ng pagka-Filipino, bakit naghihikahos ang driver at pasahero sa loob nito? Trip down memory lane tayo: magkano ang pamasahe mo noong sumasakay ka ng jeep, at sa ikot noong nag-aaral ka sa UP? Magkano na ang pamasahe ngayon?

1. Merienda. Where else is it normal to eat five times a day?

Ayon sa pinakahuling Social Weather Station Survey (Oktubre 2006), 16.9 porsyento ng mga Filipino ay dumanas ng pagkagutom sa nakaraang huling tatlong buwan, katumbas ng 2.9 milyong tahanan, o mga kulang ng 20 milyong katao. Kailan ka huling nagmerienda?

2. Sawsawan. Assorted sauces that guarantee freedom of choice, enough room for experimentation and maximum tolerance for diverse tastes.

Favorites: toyo’t calamansi, suka at sili, patis.

“Sawsawan ng bayan†ang tawag sa mga babaeng pakawala. Ang pinakamababang bilang ng dami ng babaeng sex worker sa bansa ay 300,000, at may 75,000 na mga batang ipinapangalakal ang kanilang katawan.

Paboritong lugar: Olongapo, Angeles, Quezon Boulevard, Pasay

3. Kuwan, ano. At a loss for words? Try these and marvel at how Pinoys understand exactly what you want.

Galing kaya ito sa Kastilang “cuando†(kailan)? Kung gayon, hanggang kailan pa, saan nagwawakas ang kailan, saan hahantong ang kailan? Hanggang kailan mananatiling ganito ang ganitong sitwasyon?

4. Pinoy humor and irreverence. If you’re api and you know it, crack a joke. Nothing personal, really.

Kapag nagkamali ka, nakabangga ka, nakapatay ka, nakatalisod ka, tumawa ka. Ang pinakamalaking joke ay wala kang tinatawanan maliban ang sarili mong kahibangan. Kapag mas malaganap ang mga biro tungkol sa politika, mas nabubunyag ang krisis. Halinang sabayang tumawa.

5. Tingi. Thank goodness for small entrepreneurs. Where else can we buy cigarettes, soap, condiments and life’s essentials in small affordable amounts?

Ito ang ipinagyayabang na “sachet marketing strategy†na kasama ang pagbenta ng SMS at airtime service sa cellphone at nakapagpaabot sa 45 porsyento ang market saturation ng Smart. Kasama na ang pasa-load sa sistemang tingi—isang piraso ng bawang, kalahating kamatis, shampoo na lampas sa isa pero kulang sa dalawang gamit, at iba pa.

6. Spirituality. Even before the Spaniards came, ethnic tribes had their own anitos, bathalas and assorted deities, pointing to a strong relationship with the Creator, who or whatever it may be.

Bansa ng esperitista, sinasapian ng Santo Niño, Mariang Sinukuan, Birheng Maria, at iba pa. Hindi pa kasama rito ang opisyal na mga sandamakmak na estatwa ng Manaoag, Antipolo, Nazareno, Apo sa Naguilian, Apo sa Paoay.

7. Po, opo, mano po. Speech suffixes that define courtesy, deference, filial respect — a balm to the spirit in these aggressive times.

Makibaka po. Huwag pong matakot. Welga po kami. Walkout po tayo sa klase.

8. Pasalubong. Our way of sharing the vicarious thrills and delights of a trip, and a wonderful excuse to shop without the customary guilt.

Ah, pero sa mga Romano, mag-ingat sa Griyegong may bitbit na pasalubong!

9. Beaches! With 7,000 plus islands, we have miles and miles of shoreline piled high with fine white sand, lapped by warm waters, and nibbled by exotic tropical fish. From the stormy seas of Batanes to the emerald isles of Palawan — in the Philippines, life is truly a beach.

Una, high tide o low tide?

Ikalawa, oil spill sa Guimaras? Hello?

Ikatlo, pagbenta ng gobyerno ng commercial rights ng mga lupain sa Boracay?

10. Bagoong. Darkly mysterious, this smelly fish or shrimp paste typifies the underlying theme of most ethnic foods: disgustingly unhygienic, unbearably stinky and simply irresistible.

Sa edad ng globalisasyon, ang tayo, bagoong at patis ay mas murang angkatin mula sa Thailand.

11. Bayanihan. Yes, the internationally-renowned dance company, but also this habit of pitching in still common in small communities. Just have that cold beer and some pulutan ready for the troops.

Una, mabuhay ang natitirang kaunting grupo na nagsasayaw ng tinikling at singkil sa bansa! Kahit nabura na ang panlipunang kontexto nito ay patuloy pa rin para sa halina ng turismo.

Ikalawa, 40 porsyento ng nakatira sa syudad ay nakatira sa squatter, 34.4 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.

12. The Balikbayan box. Another way of sharing life’s bounty, no matter if it seems like we’re fleeing Pol Pot everytime we head home from anywhere in the globe. The most wonderful part is that, more often than not, the contents are carted home to be distributed.

Urban legend: Ang pinakamalaking balikbayan box ang kabaon ng namatay na OCW. Sa pagtitipid, ang bawat damit, kasama ang sapatos, ay nakalaan para sa iba’t ibang miyembro ng kamag-anak, kasama ang kung ano pang de-latang corned beef at Spam, twalya at kobre-kama, sweater at winter jacket na maisasaksak sa kabaong.

13. Pilipino komiks. Not to mention Hiwaga, Aliwan, Tagalog Classics, Liwayway and “Bulaklak” magazines. Pulpy publications that gave us Darna, Facifica Falayfay, Lagalag, Kulafu, Kenkoy, Dyesebel, characters of a time both innocent and worldly.

Hindi ba, sa titulo pa lang ay nagbibigay-motibo na ng pagtanggap? Maaliw, mahiwagaan, mahalimuyak, pagbubukang-liwayway. Tila may erotisismo rin. Basahin din ang mga komiks bilang eros—ang hypersexual na si Darna o ang bading na si Facifica, madulas na kalamnan ng hubad na Dyesebel—at tingnan ko kung pareho pa rin ang pagtingin sa Pinoy superheroes na ito.

14. Folk songs. They come unbidden and spring, full-blown, like a second language, at the slightest nudge from the too-loud stereo of a passing jeepney or tricycle.

Sa edad ng portable appliance—walkman, diskman, I-pod at MP3 player—ang kolektibong ingay ng pumapasadang jeep at trisikel (malamang sa probinsya na lamang dahil bawal na ito sa Metro Manila) o ang pribadong mundo ng pang-indibidwal lamang na tunog?

15. Fiesta. Eat, drink and be merry, for tomorrow is just another day, shrugs the poor man who, once a year, honors a patron saint with this sumptuous, no-holds-barred spread. It’s a Pinoy celebration at its pious and riotous best.

Nagsasara nang paisa-isa ang Barrio Fiesta. Madaling kopyahin ang resipi ng kare-kare at nagde-deliver pa nga sa mga bahay ng crispy pata.

Tingnan din ang thought balloon sa #1.

16. Aswang, manananggal, kapre. The whole underworld of Filipino lower mythology recalls our uniquely bizarre childhood, that is, before political correctness kicked in. Still, their rich adventures pepper our storytelling.

Idagdag: berdugo o mga militar at paramilitary na politikal na pumapaslang, kabahagi ng komunidad at sa hayagang ginagawa ang pagpaslang.

17. Jeepneys. Colorful, fast, reckless, a vehicle of postwar Pinoy ingenuity this everyman’s communal Cadillac makes for a cheap, interesting ride. If the driver’s a daredevil (as they usually are), hang on to your seat.

Kung iginagalang itong makulay na mundo ng pagka-Filipino, bakit naghihikahos ang driver at pasahero sa loob nito? Trip down memory lane tayo: magkano ang pamasahe mo noong sumasakay ka ng jeep, at sa ikot noong nag-aaral ka sa UP? Magkano na ang pamasahe ngayon?

18. Dinuguan. Blood stew, a bloodcurdling idea, until you try it with puto. Best when mined with jalapeño peppers. Messy but delicious.

Ayon sa Karapatan, 778 na ang politikal na pinaslang simula 2001 nang unang maging pangulo si Gloria Macapagal-Arroyo.

19. Santacruzan. More than just a beauty contest, this one has religious overtones, a tableau of St. Helena’s and Constantine’s search for the Cross that seamlessly blends piety, pageantry and ritual. Plus, it’s the perfect excuse to show off the prettiest ladies — and the most beautiful gowns.

Noong nag-Santacruzan sa isang community center sa Nagoya, mga 2000, ipinapaliwanag sa akin ang kahalagahan nitong Flores de Mayo. Ang sinabi ko ay tungkol ito sa OCW rin, ang matagalan at pursigidong paghahanap at pagsasakripisyo. Maingay pa rin ang audience at inaantay lamang nila kung sino ang puputungang Reyna Elena.

20. Balut. Unhatched duck’s embryo, another unspeakable ethnic food to outsiders, but oh, to indulge in guilty pleasures! Sprinkle some salt and suck out that soup, with gusto.

Ang sa susunod na henerasyon? Ano ang kanilang magiging claim sa pagiging bayani? Lahat halos ng dekada ay minamarkahan ng kasaysayan ng hamon – batas militar at diktadura ng 1970s, People Power ng 1980s, EDSA Dos ng 2000s. Kabataang Filipino, ano na?

21. Pakidala. A personalized door-to-door remittance and delivery system for overseas Filipino workers who don’t trust the banking system, and who expect a family update from the courier as well.

Ang remittance ng OCWs ay $12 bilyon ngayong taong 2006, $13.5 bilyon sa 2007. Lahat ay padala sa bangko. $2 bilyon ang dumarating dahil sa pakidala, $8.24 bilyon ang total na tantya mula 2001-2004. 38 porsyento ng mga tumatanggap ng remittance ay mas pinapaboran ang non-banking at informal na sistema dahil sa walang malalaking charges na idinadagdag.

22. Choc-nut. Crumbly peanut chocolate bars that defined childhood ecstasy before M&Ms and Hersheys.

Ang choc-nut ay imbensyon ng pambansang burgesya batay sa mga malaganap na materyales ng kapaligiran. Ano ang magiging definitive childhood ecstasy ng susunod na henerasyong hindi hinele ng Choc-nut? Mananaginip ba sila ng matatabang bilog at iba’t ibang kulay na M&Ms?

23. Kamayan style. To eat with one’s hand and eschew spoon, fork and table manners –ah, heaven.

Kapag kumain kang nakakamay, nasa mababang uri ka o nasa Kamayan Restaurant ka. Isa na namang ehemplo ng paghalaw ng mataas na uri sa kultura ng mababang uri para sa karagdagang kita.

24. Chicharon. Pork, fish or chicken crackling. There is in the crunch a hint of the extravagant, the decadent and pedestrian. Perfect with vinegar, sublime with beer.

Bagong tuklas! “Need omega-3’s? Don’t like fish? Get your good oils in a hearty serving of pork crackling. Researchers have generated cloned pigs that express a humanized worm gene which encodes an n-3 fatty acid desaturase. The transgenic pigs produce high levels of n-3 fatty acids.†Genetically modified! Chicaron na ang bagong oatmeal at sariwang prutas.

25. Pinoy hospitality. Just about everyone gets a hearty “Kain tayo!†invitation to break bread with whoever has food to share, no matter how skimpy or austere it is.

Pero tandaan ang Filipino dekorum sa imbitasyon: tatlong beses kang iimbitahan, dalawang beses kang tatanggi. Sa ikatlong imbitasyon ka lamang sasang-ayong makisabay kumain. Baka isipin ng nag-imbita sa iyo na patay-gutom ka.

26. Adobo, kare-kare, sinigng and other lutong bahay stuff. Home-cooked meals that have the stamp of approval from several generations, who swear by closely-guarded secrets and family recipes.

Ang tawag sa isang gabing kultural na pagtatanghal ng mga Filipino-American sa kanilang identidad ay “Adobo Night.†Isang gabi ng paggunita sa inaakala nilang pagka-Filipino nila sa Amerika. Nag-aaral silang magsingkil, maglalatik at mag-Ifugao dance (balita pa nga ay ang mga lalaking lumalahok sa huli ay nagpapalaki ng katawan para ipang-disley sa gabing ito.)

Si J-Lo na nakapangasawa rin ng isang Filipino-American na backup dancer ay masaya sa paggunita ng pagkain ng pansit at spring rolls (lumpiang shanghai) na luto ng kanyang biyenan.

27.Lola Basyang. The voice once heard spinning tales over the radio, before movies and television curtailed imagination and defined grown-up tastes.

Si Lola Basyang ay ang sarswelistang Severino Reyes. Ano ang ibig sabihin na si Reyes ang unang trans-gender na celebrity ng media sa bansa, alam ba ito ng mga magulang nang binabasa o pinapakinggan siya ng mga bata?

28. Pambahay. Home is where one can let it all hang out, where clothes do not make a man or woman but rather define their level of comfort.

Anong comfort? 40 porsyento ng populasyon sa syudad ay nakatira sa slums at komunidad ng squatters. 34.4 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa ay naghihikahos, 30 milyon ay maralitang taga-lunsod. Sa isang banda, nakapambahay man ang marami, wala naman silang bahay. Sa kabilang banda, ang pambahay ng iba ay panlabas na ng marami.

29. Tricycle and trisikad, the poor Pinoy’s taxicab that delivers you at your doorsteps for as little as three PH Pesos, with a complimentary dusting of polluted air.

Idagdag pa rito ang pedikab. Padjak power! Pero mag-ingat masagi ng nagmamadaling truck. Gayong ginagamit ding motel ng mahihirap.

30. Dirty ice cream. Very Pinoy flavors that make up for the risk: munggo, langka, ube, mais, keso, macapuno. Plus there’s the colorful cart that recalls jeepney art.

Halimbawa pa rin ng pambansang burgesyang karanasan: Selecta na binili ng multinasyonal na korporasyon, na muling umusbong sa Arce, ice cream na gawa sa gatas. Ilang galon ng sorbetes para sa isang maliit na cup ng Haagen Daz? Bakit walang “munggo, langka, ube, mais, keso, macapuno†na flavor ang Haagen Daz?

31. Yayas. The trusted Filipino nanny who, ironically, has become a major Philippine export as overseas contract workers. A good one is almost like a surrogate parent – if you don’t mind the accent and the predilection for afternoon soap and movie stars.

Teka lang! Pinagkakatiwala mo ang buhay ng anak mo sa yaya nila pero hindi ang kanilang pagsasalita at libangan? Tama ba ‘yan? Tulad ng OCW na yayang nanay o kapatid na babae, inaalagaan na nga nila ang hindi nila anak, nagsasakripisyo para may maipadala sa kanilang mga pamilya gayong hindi sila kailanman lubos na matatanggap na kapantay. Ang sad ‘no?

32. Sarsi. Pinoy rootbeer, the enduring taste of childhood. Our grandfathers had them with an egg beaten in.

Bakit lahat ng ugnay sa kamusmusan ay sa pamamagitan ng pagkain? Oral phase kaya ito, o ang paggunita sa yugto ng pagsuso sa ina at pagsubo ng lahat ng madadampot na bagay sa bibig? Kaya sa susunod na nalulumbay, uminom lamang ng inyong paboritong sarsaparilla (kung may makikita pa kayong sari-sari store na nagtitinda nito), sorbetes (kung may naglalako pa nito sa inyong village) at chicharon (a, ito ay ine-export na kaya nasa estante na ito ng inyong paboritong groseri).

33. Pinoy fruits. Atis, guyabano, chesa, mabolo, lanzones, durian, langka, makopa, dalanghita, sinigueles, suha, chico, papaya, singakamas—the possibilities!

Pero seasonal itong posibilidad. Hindi tulad ng mansanas, kahel, ubas, kastanyas, at longgan, paratihang naka-stock sa palengke at groseri. Mas mura pa ang bawat piraso kaysa sa lokal na prutas. Mabuhay ang neoliberalismong nagpasok ng mga prutas na dapat sana ay natutunghayan lamang kung Pasko.

34. Filipino celebrities. Movie stars, broadcasters, beauty queens, public officials, all-around controversial figures: Aurora Pijuan, Cardinal Sin, Carlos P. Romulo, Charito Solis, Cory Aquino, Emilio Aguinaldo, the Eraserheads, Fidel V. Ramos, Francis Magalona, Gloria Diaz, Manuel L. Quezon, Margie Moran, Melanie Marquez, Ninoy Aquino, Nora Aunor, Pitoy Moreno, Ramon Magsaysay, Richard Gomez, San Lorenzo Ruiz, Sharon Cuneta, Gemma Cruz, Erap, Tiya Dely, Mel and Jay, Gary V.

Una, alam kaya ni San Lorenzo Ruiz na siya ay magiging celebrity nang pumayag siyang paslangin siya dahil sa kanyang Katolikong paniniwala?

Ikalawa, Mel and who?

Ikatlo, ang formula para maging celebrity: maging politiko, beauty queen, relihiyoso at sumali sa showbiz. Idagdag na rito, sports, baka magalit si Manny Pacquiao.

35. World class Pinoys who put us on the global map: Lea Salonga, Paeng Nepomuceno, Eugene Torre, Luisito Espinosa, Lydia de Vega-Mercado, Jocelyn Enriquez, Elma Muros, Onyok Velasco, Efren “Bata†Reyes, Lilia Calderon-Clemente, Loida Nicolas-Lewis, Josie Natori.

Una, kababaihan power!

Ikalawa, kung world-class Pinoy, bakit wala na ang marami sa nakalista rito ngayon?

Ikatlo, ang formula sa maging world class Pinoy: mabilis tumakbo, matigas manlaban, magaling dumiskarte sa inyong kanto sports (boxing, sprint, bilyar).

36. Pinoy tastes. A dietitian’s nightmare: too sweet, too salty, too fatty, as in burong talangka, itlog na maalat, crab fat (aligue), bokayo, kutchinta sapin-sapin, halo-halo, pastilyas, palitaw, pulburon, longganisa, tuyo, ensaymada, ube halaya, sweetened macapuno and garbanzos. Remember, we’re the guys who put sugar (horrors) in our spaghetti sauce. Yum!

Kung pinalaki mo ba naman sa ice cream, chicaron at Sarsi, magtataka ka pa kung bakit ganito ang diyeta ng gitnang uring Pinoy?

37. The sights. Banaue Rice Terraces, Boracay, Bohol’s Chocolate Hills, Corregidor Island, Fort Santiago, the Hundred Islands, the Las Pinas Bamboo Organ, Rizal Park, Mt. Banahaw, Mayon Volcano, Taal Volcano. A land of contrasts and ever-changing landscapes.

Your Honor, para maging lupain ng contrast, isama ang Payatas Land Refill, squatter na nakatira sa ilalim ng tulay at breakwater, o sa itinutulak na kariton, musmos na nagbebenta ng sampaguita, katutubong namamalimos sa inyong paboritong sangandaan, at aktibistang pinapaslang. Welcome to the Philippines!

38. Gayuma, agimat and anting-anting. Love potions and amulets. How the socially-disadvantaged Pinoy copes.

Ito pala ang sikreto kung bakit natatanggap ng naghihikahos ang kanilang abang lagay (sarcasm po ito). At sa socially-empowered Pinoys? Dollar savings abroad, stocks and bonds, cash, cash, cash…

39. Barangay Ginebra, Jaworski, PBA, MBA and basketball. How the vertically challenged Pinoy compensates, via a national sports obsession that reduces fans to tears and fistfights.

Sa edad ng diaspora at globalisasyon, matatagpuan na lamang natin ang ating PBA na nanonood tayo ng teams na nilalahukan ng mga reject sa NBA. Iilang Pinoy ang lumalaking matatangkad at malulusog at kayang makipagtunggali sa basketball? Tapos na ang edad ni Ronnie Magsanoc. Ang iba namang basketball players ay nangangarap na lamang maging modelo ng underwear ng Bench.

40. People Power and EDSA. When everyone became a hero and changed Philippine history overnight.

jamesfiretrucksg2.th.jpgthpix.gif
Filed: AOS (pnd) Country: Philippines
Timeline
Posted (edited)

So true. ;)

At huwag mong kalimutan ang ating mga "nguso". We dont point with our finger, we just press our lips together (nguso) and point with it. Hehe

Edited by PingLocalHostess

I-129F Sent------------------------------------------04.21.2008

Interview Date---------------------------------------09.12.2008 (white and pink slip)

Visa Received----------------------------------------10.20.2008

US Entry----------------------------------------------10.29.2008 (POE: Detroit)

Marriage----------------------------------------------12.18.2008

(Cant file AOS yet, had to wait after filing taxes)

AOS packet sent w/ EAD----------------------------03.19.2009

NOA1 - Receipt Notice-------------------------------03.27.2009

1st Biometrics Appointment Notice-----------------03.31.2009 (for I-485 & I-765)

Transfer Notice (to CSC)----------------------------04.09.2009

1st Biometrics Schedule-----------------------------04.21.2009 (Attendant said either my fingerprints had slightly faded or their scanning machine sucks... #######?!)

2nd Biometrics Appointment Notice----------------04.23.2009 (*sigh*)

2nd Biometrics Schedule----------------------------05.14.2009 (for I-485)

Received EAD (sent by mail)-----------------------05.18.2009

Welcome Notice-------------------------------------06.01.2009 (for I-485)

Approval Notice and Resident Card received------06.11.2009

Posted

yes, they are very similar. guess I'm guilty of being a copy cat. :blush: the one I posted is about twice as long with more English.

US Embassy Manila website. bringing your spouse/fiancee to USA

http://manila.usembassy.gov/wwwh3204.html

Filed: Country: Philippines
Timeline
Posted
Reckon you forgot to include Annie Cruz and Jade Marcela in # 35. If you ain't heard of these ladies, please go google 'em..... :star::star::star:

I googled these 2 women and, sure, they should be very popular with the desolate and the forlorn ... But wait a minute, boy, Wikipedia says that Jade Marcela is Indonesian, not Filipina ...

Posted

I agree....at nakalimutan mong isama ang Lamp shade na may 50 years warranty dahil sa hindi natatangalan ng plastic mula pagkabili.....

at mahahalata mo kahit saan sa buong daigdig kung may nakatira sa isang bahay na pinoy ay merong ilang pares ng tsinelas na nakahilera sa may labas ng pintuan... :dance:

3561055465_7e32541543_m.jpg3561659436_e8b5cc66fc_m.jpg

"Our Wedding Prayer"

Lord,help us to remember when we first met,and the strong love that grew between us.

To work the love into practical things so nothing can divide us

Grant us a Love that grows stronger with each passing year.

We ask for words both kind and loving

and for hearts always ready to ask forgiveness as well as to forgive.

Guide us to overcome every challenge

and keep our dreams pure to each other always.

Dear Lord,we put our marriage into Your hands.Amen

If your heart acquires strength, you will be able to remove blemishes from others without thinking evil of them.
Filed: Country: Philippines
Timeline
Posted
Reckon you forgot to include Annie Cruz and Jade Marcela in # 35. If you ain't heard of these ladies, please go google 'em..... :star::star::star:

I googled these 2 women and, sure, they should be very popular with the desolate and the forlorn ... But wait a minute, boy, Wikipedia says that Jade Marcela is Indonesian, not Filipina ...

Oh! Jade Marcela ain't a Filipino girl? All the while, after seeing some of her performances, I thought she was! Well, try Charmane Star, I'm damn sure she is a popular Filipino international actress. :star::star::star:

tex-mex.jpg

Posted
Reckon you forgot to include Annie Cruz and Jade Marcela in # 35. If you ain't heard of these ladies, please go google 'em..... :star::star::star:

I googled these 2 women and, sure, they should be very popular with the desolate and the forlorn ... But wait a minute, boy, Wikipedia says that Jade Marcela is Indonesian, not Filipina ...

Oh! Jade Marcela ain't a Filipino girl? All the while, after seeing some of her performances, I thought she was! Well, try Charmane Star, I'm damn sure she is a popular Filipino international actress. :star::star::star:

Huwag kalimutan ang mga urinal sa mga kalye ng Manila. Onli in the Pilipins!

Hokey Smoke!

Rocky: "Baby, are they still mad at us on VJ?"

Bullwinkle: "No, they are just confused."

Filed: Country: Philippines
Timeline
Posted
Reckon you forgot to include Annie Cruz and Jade Marcela in # 35. If you ain't heard of these ladies, please go google 'em..... :star::star::star:

I googled these 2 women and, sure, they should be very popular with the desolate and the forlorn ... But wait a minute, boy, Wikipedia says that Jade Marcela is Indonesian, not Filipina ...

Oh! Jade Marcela ain't a Filipino girl? All the while, after seeing some of her performances, I thought she was! Well, try Charmane Star, I'm damn sure she is a popular Filipino international actress. :star::star::star:

I checked out these girls on Google and que barbaridad? Sin verguenza these girls!!!!!

aka Señorita Tessa, Señora Bonita, Mariquita Linda, Muñequita Linda, Amor Perdido y Chaparrita Chula!

  • 1 year later...
Posted

thanks for this post, and the add ons... it made me smile, and feel guilty... and reminded me of Roland Tolentino and UP...

-Kezia

2009/12/30 - Met online

2010/03/27 - 1st Visit to the Phils

2010/04/03 - Left the Phils back to the US

2010/05/__ - Engagement (unofficial)

2010/07/19 - Filed I-129F

2010/07/27 - Check cleared

2010/08/21 - 3rd Call to USCIS call center, finally got our Case #, still no mail

2010/09/01 - NOA1 official date

2010/09/07 - NOA1 received, FINALLY!!!

2010/10/06 - Touched (expedite request callback from USCIS, giving us the requirements)

2010/10/07 - Finally got the papers from the doctor and submitted requirements for expedite

2010/10/07 - Touched with callback

2010/10/14 - USCIS website says it's APPROVED!!! mailed

2010/10/19 - received at NVC

2010/10/21 - NVC sent documents to the US Embassy in Manila

2010/10/23 - 2nd Visit the the Phils, touchdown in Manila & flight to Samar, Pamamanhikan for brunch, Engagement Party for dinner

2010/10/24 - Picnic with close family and friends

2010/10/25 - Engagement Party with family in Manila

2010/10/26 - Leave the Phils back to the US

2010/11/22 - Interview at the US Embassy in Manila - VISA APPROVED!!!

2010/12/30 - POE in Las Vegas. TOGETHER AT LAST!

2011/03/06 - Married in Las Vegas

2011/05/03 - AOS, EAD & AP filing date

2011/05/11 - NOA1 for all

2011/05/24 - successful walk-in biometrics (originally 6/10)

2011/06/20 - got online status update and hardcopy of interview appointment dated 6/16 but scheduled for 7/26

2011/07/22 - AP approved, EAD card in production

2011/07/26 - AOS interview. RFE coz they LOST MY MEDICAL!!! GRRR!

2011/07/30 - EAD/AP combo card in the mail

2011/10/21 - finally got my GREENCARD after several complaints all over the place

Posted

I should read this out loud to my baby. :) 5 more weeks till she is born! I intend to teach her how to speak Tagalog.

Thanks for the read. :D

Be smart, have a plan, and hang on to the people you love. - Chris Gardner

 

N-400 Timeline

02-23-2018: Sent N-400 Application online

02-23-2018: Date on NOA, retrieved from online account

02-23-2018: Date on Biometrics Appointment Letter (Biometrics Appointment at Jacksonville ASC on March 13, 10:00 a.m.)

03-08-2018: Biometrics complete

04-05-2018: Case status updated - Interview Scheduled on May 10, 2018, 10:15 a.m. :D

05-10-2018: Citizenship Interview - Passed English and Civics Tests, Recommended for Approval! :D 

06-19-2018: Received email and text notification: Naturalization Ceremony Scheduled; waited for letter to be uploaded on online account - it has been set on Wednesday, July 25, 3:00 p.m.

07-25-2018: I am now a U.S. Citizen!

 

K3-K4 Journey.txt

Posted

So true. <img src="http://www.visajourney.com/forums/public/style_emoticons/<#EMO_DIR#>/wink.gif" style="vertical-align:middle" emoid=";)" border="0" alt="wink.gif" />

At huwag mong kalimutan ang ating mga "nguso". We dont point with our finger, we just press our lips together (nguso) and point with it. Hehe

I'm guilty with this... :rofl:

K1 Visa
Sept.2009 Sent Petition
Oct.2009 Petition Approved
Nov.2009 Visa Recieved
-------------------------
AOS
Feb. 2010 Sent AOS
Mar. 2010 Biometrics
May 2010 Interview
Jun 2010 GC Recieved
-------------------------
Removing of Condition:
Mar.19,2012---------ROC sent
Mar.20,2012---------VSC received signed by D. Renaud
Mar.23,2012---------Check encashed
Mar.24,2012---------NOA1
Apr.19,2012----------Biometrics (Early Bio 4/11/2012)
May 2012 ------------Biometrics redo

Nov.30,2012---------RFE (fingerprint can't read needs to submit police clearance)

May 2013-------------Received Permanent Residence Card


00bor6fe477d3.png

 
Didn't find the answer you were looking for? Ask our VJ Immigration Lawyers.

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!

Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.

Sign In Now
- Back to Top -

Important Disclaimer: Please read carefully the Visajourney.com Terms of Service. If you do not agree to the Terms of Service you should not access or view any page (including this page) on VisaJourney.com. Answers and comments provided on Visajourney.com Forums are general information, and are not intended to substitute for informed professional medical, psychiatric, psychological, tax, legal, investment, accounting, or other professional advice. Visajourney.com does not endorse, and expressly disclaims liability for any product, manufacturer, distributor, service or service provider mentioned or any opinion expressed in answers or comments. VisaJourney.com does not condone immigration fraud in any way, shape or manner. VisaJourney.com recommends that if any member or user knows directly of someone involved in fraudulent or illegal activity, that they report such activity directly to the Department of Homeland Security, Immigration and Customs Enforcement. You can contact ICE via email at Immigration.Reply@dhs.gov or you can telephone ICE at 1-866-347-2423. All reported threads/posts containing reference to immigration fraud or illegal activities will be removed from this board. If you feel that you have found inappropriate content, please let us know by contacting us here with a url link to that content. Thank you.
×
×
  • Create New...